Saturday, June 7, 2008

Ako ay si Josephine C. Evangelista. Lumaki ako sa Dagupan City, Pangasinan. Noong kabataan ko ako ay nanalo bilang isang Ms. Valentine sa aming lugar doon sa Dagupan. Noon pa, gustong gusto ko nang pumunta da Maynila. Natupad rin ito at nakapunta ako sa Manila at dito ko na rin nakita and aking asawa.

Nag-asawa kami noong November 16, 1986 at ngayon mayroon na kaming tatlong anak. Noong nakita ng asawa ko na ang aming tatlong anak ay unti-unti ng lumalaki at kailangang makapag-aral at makapagtapos ng kanilang pag-aaral, naisipan ng asawa ko ang magtrabaho sa ibang bansa. Ginawa niya ito para sa kinabukasan n gaming mg anak at para rin sa aming pamumuhay.

Doon sa Africa napunta ang aking asawa. Tatlong taon siya doon. Nasorpresa ako ng sinabi ng asawa ko na pupunta na nga siya. Biglaan ang pag-aalis niya sa tulong ng knayang kapatid. Sa barko siya na tinatawag na dry duck. Ang position niya ay roust about at siya ay isa sa nag rerepair doon. Natuwa siya kasi and alam na trabaho ay driver lang, pero doon natuto ng painter bluster.

Habang wala ang asawa ko, ako ay nagtitinda ng goto, pansit, spaghetti, sopas, at champorado upang makatulong ako sa asawa ko, parang may pambaon and tatlo kong anak at malibre na rin ang kanilang almusal.
Ang aking asawa ay umuuwi ng isang beses sa isang taon. Masaya ang aking mga anak pag-alam na parating na tatay nila. Excited sila pero maayos pa rin sila dahil pinalaki ko sila na maayos at mabait. Masay kaming lahat habang nandito and aking asawa. Pag paalis na siya lahat kami ay malungkot kaya lang kailangang magtiis at magsikap.
Para sa akin ang pinakahirap na wala ang aking asawa ay madalas ako malungkot. At pag nagkakaroon ng problema sa pamilya, o may nagkakasakit, naiisip ko and aking asawa. Mahirap pala ang nag-iisa, wala kang partner sa buhay. Sa awa ng Diyos, habang nasa ibang bansa ang asawa ko, wala pang mabigat na problema na dumating sa buhay naming mag-asawa. Pag may problema ako, binabale wala ko na lang.

And kalungkutan ay hindo ko na lang pinapatulan. Pag nahihirapan na ako lumalapit ako sa mga kaibigan ko para naming mawala ang kalungkutan at problema kahit konting oras man lang.

Ang gusto kong ibahagi sa ibang asawa ng OFW ay magtiis at sinopin ang kinikita ng asawa dahil ang puhunan nila ay lungkot, dugo at pawis. Kaya sa mg tulad ko na asawa ay isa ring OFW, mahalin natin ang asawa natin, pahalagahan ang kanyang kinita at ayusin ang buhay at pamilya.



 
Web Design by WebToGo Philippines